27 tindahan sa Antipolo huli sa pagbebenta ng sigarilyo at alak sa mga menor de edad
Dalawampu’t pitong tindahan sa Antipolo City ang nahuling nagbebenta ng sigarilyo at alak sa mga menor de edad.
Nahuli ang mga tindahan sa isinagawang entrapment operation ng Antipolo City Local Government.
Ilang mga bata ang pinagsuot ng uniporme at saka nagkunwaring bibili ng sigarilyo at alak sa mga tindahan.
Ayon kay Atipolo City Mayor Andrea Ynares, pinadalhan ng notices of violation (NOV) an g tindahan, pinagmulta, at nanganganib pang hindi na muling makapag-renew ng kanilang mga business permits.
Sinabi ni Ynares na mahigpit na ipinagbabawal sa batas ang pagbebenta ng sigarilyo at alak sa mga menor de edad.
Kasabay nito ay umapela si Ynares sa mga magulang na gabayan ang kanilang mga anak at huwag kunsintihin sa pagbibisyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.