22 sugatan sa salpukan ng jeep at kuliglig sa Zamboanga City

Sugatan ang aabot sa 22 katao matapos magkasalpukan ang isang pampasaherong jeep at kuliglig sa Barangay Cawit sa Zamboanga City.

Naganap ang aksidente Miyerkules (Oct. 23) ng umaga nang mag-overtake umano ang jeep sa sinusundan nitong van at masalpok ang kasalubong na kuliglig.

Ayon kay Police Sr. Master Sergeant Rudy Deleña, sakay ng kuliglig ang limang katao.

Matapos mabangga ang kuliglig ay bumangga pa sa pader ang jeep na mayroon namang 16 na pasahero.

Ayon kay Zamboanga City Mayor Beng Climaco, ang mga nasugatan ay pawang dinala sa Brent Hospital.

Isa sa kanila na nakilalang si Jerry Luchana, 46 anyos ay malubha ang kondisyon.

Kabilang sa nasugatan at ginagamot sa ospital ang driver ng jeep

Read more...