Mahihinang pag-ulan mararanasan sa N.Luzon dahil sa northeasterly surface windflow

By Rhommel Balasbas October 24, 2019 - 05:24 AM

Northeasterly surface windflow pa rin ang weather system na nakakaapekto sa Luzon.

Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, dahil sa naturang weather system ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may pulo-pulong mahihinang pag-uulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley.

Ag Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas pa rin ng maalinsangang panahon na may posibilidad lamang na mga pag-ulan sa hapon o gabi na dulot ng localized thunderstorms.

Walang nakataas na gale warning saanmang baybaying dagat ng bansa kaya’t ligtas na makakapalaot ang mga mangingisda.

Samantala, humina ang binabantayang Typhoon Bualoi sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Huling namataan ang bagyo sa layong 2,120 kilometro Silangan Hilagang-Silangan ng Extreme Northern Luzon.

Taglay na lang ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 165 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 205 kilometro bawat oras.

Kumikilos pa-Hilaga sa bilis na 30 kilometro kada oras ang bagyo at walang tyansang pumasok sa bansa.

TAGS: Northeasterly Surface Windflow, Pagasa, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, tagalog news website, weather, Northeasterly Surface Windflow, Pagasa, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.