Birthday wish ni Mayor Isko: 1 araw na walang krimen at paglabag sa Maynila

By Len Montaño October 24, 2019 - 04:53 AM

Sa kanyang ika-45 na taong kaarawan ngayong Huwebes October 24, sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na trabaho pa rin ang kanyang aatupagin.

Hindi inaasahan ni Moreno na makakapag-pahinga siya sa kanyang birthday dahil nakatakda niyang pangunahan ang pagbubukas ng tatlong health centers sa lungsod.

Pero gaya ng ibang nagdiriwang ng kaarawan, mayroong wish ang alkalde.

Ang birthday wish ni Moreno, isang araw na walang krimen at paglabad na mangyayari sa Maynila.

Una na itong naglabas ng open letter sa mga taga-Maynila na simple lamang ang kanyang hiling.

Ito ay ang makiisa ang mga mamamayan sa kanyang hangarin na linisin at magkaroon ng kaayusan sa syudad.

 

TAGS: 45th birthday, birthday wish, Mayor Isko Moreno, walang krimen, walang paglabag, 45th birthday, birthday wish, Mayor Isko Moreno, walang krimen, walang paglabag

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.