15 patay sa binombang polio center sa Pakistan

Pakistan AP
AP photo

Labinlima katao ang kaagad na namatay samantalang 23 ang sugatan sa naganap na pagsabog ng bomba sa isang polio vaccination center sa Southwestern Pakistan.

Sinabi ng mga Police officials doon isang uri ng suicide bombing ang naganap na pagsabog na itinaon sa pagsisimula ng 3-day immunization campaign ng kanilang pamahalaan.

Iniuugnay ng Pakistani government sa mga militante ang nasabing pag-atake dahil tutol ang ilang Islamist militants sa bakuna laban sa polio dahil gina-gamit daw ito ng ilang Western countries na paraan para sirain ang reproductive system ng mga batang Pakistani.

Ang nasabing conspiracy theory rin ang tinitingnang dahilan sa naunang pag-atake sa isang polio vaccination center sa Swabi District noong November 2015 kung saan ay pinagbabaril ng mga militante hanggang sa mapatay ang isang polio center volunteer.

Hindi naman iniaalis ng mga otoridad ang posibilidad na isang uri ng terror attack ang nasabing pagpapasabog lalo’t may naganap din kahapon na suicide bombing sa Istanbul Turkey na nag-iwan ng labing-apat katao na patay.

Read more...