39 katao natagpuang patay sa container truck sa England
Nadiskubre ng mga ambulance workers ang isang container truck na naglalaman ng 39 kataong patay sa southeastern England.
Isang 25 anyos na lalaki mula sa Northern Ireland ang inaresto sa suspetsa na may kinalaman ito sa krimen.
Ayon sa pulisya, pinaniniwalang galing ang container truck sa Bulgaria at pumasok sa England sa pamamagitan ng Welsh port of Holyhead.
Sa ngayon ay nasa proseso ang otoridad sa pagkilala sa mga biktima bagamat inaasahan na magiging mahaba itong proseso.
Nakiramay naman si Prime Minister Boris Johnson sa pamilya ng mga biktima at nakikipag-ugnayan ito sa Essex Police para matukoy kung ano talaga ang nangyari.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.