Onset ng Amihan asahan na sa mga susunod na araw

File photo

Mararanasan na ang may kalamigang panahon sa bansa dahil magsisimula nang umihip ang northeast monsoon o Hanging Amihan sa mga susunod na araw.

Ayon kay weather specialist Ana Clauren, posibleng sa katapusan ng linggong ito o sa mga unang araw ng susunod na linggo ay magsisimula na ang pag-ihip ng Amihan.

Sinabi ni Clauren na ang malamig at tuyong hangin na mula sa Hilagang-Silangan ay magdadala ng malamig na temperatura sa Luzon lalo na sa umaga.

Kadalasang ang malamig na temperaturang dulot ng Amihan ay nararamdaman sa bansa hanggang Pebrero o Marso.

Asahan naman ang mahinang mga pag-ulan sa northern at eastern sections ng Luzon.

Samantala, sa Mindanao, inaasahan ang generally fair weather ngunit mapapadalas ang mga panandaliang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat lalo na sa hapon o gabi.

 

Read more...