DFA may job fair para sa repatriated OFWs mula Saudi, bukas, Oct. 25

By Rhommel Balasbas October 24, 2019 - 03:08 AM

Hinihikayat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga napauwing manggagawa mula sa construction sector sa Saudi Arabia na lumahok sa job fair na isasagawa bukas, (Oct. 25) sa Pasay City.

Sa abiso ng DFA araw ng Miyerkules, tatakbo ang job fair mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon sa Apolinario Mabini Hall, DFA Building, Roxas Boulevard.

Ayon sa kagawaran, 16 na recruitment agencies ang magsasagawa ng initial screening ng mga aplikasyon bukod pa sa 10 kumpanya na accredited ng Department of Trade and Industry (DTI).

Tiniyak ni Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Arriola na patuloy na magbibigay ng suporta at tulong ang kagawaran sa mga overseas Filipino workers (OFWs) lalo na ang mga sapilitang napauwi sa bansa.

Samantala, hindi lang job fair ang alok ng DFA kundi medical consultation din para sa repatriated OFWs.

 

TAGS: construction, DFA, dti, job fair, manggagawa, ofw, saudi arabia, construction, DFA, dti, job fair, manggagawa, ofw, saudi arabia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.