Petron may oil price rollback sa Baguio ngayong araw

By Rhommel Balasbas October 24, 2019 - 02:41 AM

Baguio City PIO

Good news sa mga motorista sa Baguio!

Mayroong P3.00 bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang kumpanyang Petron sa Baguio City epektibo simula ngayong araw ng Huwebes.

Sa anunsyo ng Baguio City Public Information Office, ang bawas-presyo ay kasunod ng apela ni Mayor Benjamin Magalong sa mga kumpanya ng langis na permanente nang bawasan ang agwat sa presyo ng petrolyo sa La Union at Baguio.

Nagpatawag ng pulong si Magalong noong October 15 sa Petron, Shell at Caltex.

Gayunman, ang AVP for Corporate Affairs of Petron Corporation lamang na si Charmaine Canillas ang nakadalo.

Araw ng Miyerkules, tumawag si Canillas kay Magalong at sinabing babawasan na ang fuel prices ng hanggang P3.00 bilang tulong sa Baguio City.

Samantala, ang iba pang kumpanya ng langis ay inaasahang magbababa rin ng presyo pagkatapos ng isinasagawang negosasyon.

Baguio City PIO

 

TAGS: baguio city, Bawas-presyo, good news, Mayor Benjamin Magalong, Petron, Presyo, rollback, baguio city, Bawas-presyo, good news, Mayor Benjamin Magalong, Petron, Presyo, rollback

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.