Mga pamilyang Pilipino na nakaranas ng ‘involuntary hunger’ sa 3rdQ kumaunti
Nabawasan ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na nakaranas ng “involuntary hunger” o uri ng gutom dahil sa kawalan ng pagkain sa ikatlong kwarter ng taon.
Ayon sa Social Weather Stations (SWS) survey na ginawa mula September 27 hanggang 30, nasa 2.3 milyong pamilya o 9.1 percent ang nakaranas ng involuntary hunger isang beses sa nakalipas na tatlong buwan.
Ito ay isang “improvement” kumpara sa 2.5 million na pamilya o 10 percent na naitala noong Hunyo.
Habang una nang naitala sa March SWS survey na 2.3 million na pamilya o 9.5 percent ang nakaranas ng gutom.
Samantala, nasa 1.8 million na pamilya ang nakaranas ng moderate hunger o nagutom ng isang beses o ilang beses lamang sa third quarter ng 2019.
Habang 426,000 na pamilya ang nakaranas ng severe hunger o ang madalas o laging pagkagutom.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.