Mayor Isko pinuna ang mga pasaway na pedestrians

Screengrab of Mayor Isko Moreno video

Hindi naitago ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagkalungkot sa mga pasaway na pedestrians na dumadaan pa rin sa mga gitna ng lansangan sa lungsod.

Ibinahagi ni Moreno ang isang video kung saan mapapanood ang ilang katao na buwis-buhay na tumatawid sa hindi tamang lugar.

Makikita na may mga matatanda pa na kasama sa mga tumatawid.

Hindi binanggit ng alkalde kung saang lugar pilit na tumatawid ang mga pedestrians.

Ayon kay Mayor Isko, nilagyan na ng harang ang mga tawiran para sa kaligtasan ng mga tao.

Nilinis na rin anya ang mga underpass para may madaanan ang mga mamamayan pero bakit may ilan pa rin anya na lumalabag.

Muling nakiusap si Moreno sa mga taga-Maynila na tulungan siya na magkaroon ng kaayusan sa lungsod.

Read more...