State of Calamity idineklara sa GenSan matapos sumiklab ang mga sunog kasunod ng lindol

By Rhommel Balasbas October 24, 2019 - 01:25 AM

GenSan LGU photo

Isinailalim sa state of calamity ang General Santos City araw ng Miyerkules kasunod ng dalawang sunog na sumiklab dahil sa magnitude 6.3 na lindol noong nakaraang linggo.

Mismong si Mayor Ronnel Rivera ang nagtulak sa deklarasyon ng state of calamity.

Layon nitong magamit ang emergency funds ng lokal na pamahalaan para tulungan ang mga empleyado ng nasunog na Gaisano Mall gayundin ang mga biktima ng sunog sa Purok San Miguel, Calumpang.

Ayon kay City Social Welfare and Development Office (CSWDO) head Rebecca Magante, magbibigay ng P234 kada araw sa tinatayang 2,000 empleyado ng Gaisano Mall habang P5,000 naman ang ibibigay sa bawat pamilyang apektado ng sunog sa Purok San Miguel.

Tatagal ang arawang ayuda sa mga manggagawa ng Gaisano Mall ng 45 araw.

Aabot sa P21 milyon ang naaprubahanag alokasyon para sa cash vouchers ng mga biktima ng sunog.

Bukod dito, nakikipagtulungan na rin ang lokal na pamahalaan sa iba pang ahensya ng gobyerno at mga kumpanya para sa karagdagang ayuda para sa mga apektadong manggagawa.

Ayon kay Magante, nag-alok na ang KCC Mall ng pagtanggap sa 200 cashiers mula mga empleyado ng Gaisano Mall.

Nangako na rin ang General Santos City Chamber of Commerce and Industry Inc. ng trabaho para sa Gaisano employees.

TAGS: gaisano mall, General Santos City, lindol, magnitude 6.3, Mayor Ronnel Rivera, State of Calamity, sunog, gaisano mall, General Santos City, lindol, magnitude 6.3, Mayor Ronnel Rivera, State of Calamity, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.