Para hindi na kumalat ang African Swine Fever (ASF), nasa 900 mga baboy ang pinatay sa lalawigan ng Pangasinan.
Ito ay matapos tamaan ng ASF ang mga baboy sa isang babuyan sa Barangay Apalen sa bayan ng Bayambang.
Ang hakbang ng provincial government ay alinsunod sa alituntunin ng Department of Agriculture (DA) na tinatawag na “1-7-10” protocol.
Ito ay kung saan pinapatay ang mga baboy na sakop sa isang kilometrong radius ng apektadong babuyan.
Bukod dito ay inilagay ng Pangasinan LGU sa state of calamity ang 12 barangay na kabilang sa one-kilometer quarantine zone.
Naghigpit din ng seguridad at kinordonan ng otoridad ang lugar kung saan ibinaon ang pinatay na mga baboy.
MOST READ
LATEST STORIES