Maynilad at Manila Water customers pinag-iipon na ng tubig
Inabisuhan ng Maynilad at Manila Water ang kanilang mga customers na simulan na ang pag-iipon ng tubig.
Ito ay bunsod ng muling pagpapatupad ng rotational water service interruption ng dalawang concessionaire simula Huwebes ng gabi.
Sa abiso ng Maynilad at Manila Water, hinikayat ang publiko sa responsableng paggamit ng tubig at pinayuhang mag-ipon lamang ng suplay na kakailanganin sa mga oras ng interruption.
Pinaiiwas ang publiko na mag-imbak nang sobra para mabigyan ng pagkakataon ang lahat na makapag-ipon ng tubig.
Ang water service interruptions ay isasagawa ng dalawang water conseccionaires sa pakikipag-ugnayan sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Corporate Office, MWSS Regulatory Office at National Water Resources Board (NWRB).
Layon ng service interruptions na mapagkasya ang limitadong suplay ng tubig hanggang sa susunod na summer o maging hanggang sa kabuuan ng taon.
Ito ay dahil sa posibleng hindi maabot ng Angat Dam ang inaasahang 212-meter level sa pagtatapos ng 2019.
Narito ang updated schedule ng water service interruptions ng Maynilad at Manila Water.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.