Sen. Bong Revilla muling humirit ng furlough sa Sandiganbayan

bong-revilla11Hiniling ni Senator Bong Revilla Jr., na ikunsidera ng Sandiganbayan 1st division ang nauna nitong pasya na nagbabasura sa kaniyang hirit na furlough para makadalaw sa burol ni German “Kuya Germs” Moreno.

Sa motion for reconsideration ni Revilla, sinabi nitong itinuturing niyang pangalawang ama si Moreno kaya higit pa sa obligasyon ang kahalagahang siya ay makadalaw sa burol at makapagbigay ng huling respeto.

Umaasa si Revilla na pagbibigyan ng Sandiganbayan ang kaniyang kahilingan.

Una nang ibinasura ng Sandiganbayan First Division ang motion to leave detention ni Revilla na humihirit ng limang oras na furlough.

Sinabi ng anti-graft court na hindi maituturing na emergency o at walang “exceptional circumstance” sa kahilingan ni Revilla na makalabas ng detention cell.

Read more...