27 pang mga kaso ng ‘maltreatment’ naganap sa PMA

By Len Montaño October 23, 2019 - 11:27 PM

Iniimbestigahan ng Philippine Military Academy (PMA) ang 27 pang mga kaso ng “maltreatment” o pagpapahirap sa mga kadete.

Ito ay sa gitna ng isyu ng pagkamatay sa hazing ng plebong si Darwin Dormitorio.

Sa PMA report na nakuha ng INQUIRER.net, nakasaad na 52 kadete ang inilipat sa confinement habang iniimbestigahan sa 27 kaso ng maltreatment.

Nangyari ang mga insidente ng pagpahirap sa pagitan ng September 16 at 27 ngayong taon.

Ang impormasyon ay nakalagay sa confidential report ng Inspector General ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nakumpleto noong Sityembre.

Iniimbestigahan ng Department of Tactical Officers ng PMA ang 38 na 3rd class cadets o iyong mga nasa sophomore year at pitong kadete mula sa 2nd at 1st class o sa junior at senior years.

Nasa 22 na 4th Class cadets o mga freshmen ang naiulat na dinala sa iba’t ibang ospital matapos pahirapan.

Una nang kinumpirma ni PMA commandant of cadets Brig. Gen. Romeo Brawner Jr. ang imbestigasyon sa umanoy mga kaso ng hazing na nadiskubre matapos mamatay si Dormitorio.

Ilan sa mga iniimbestigahan ang pumapasok pa sa kanilang mga klase habang ang iba ay nasa holding area at ang ibang kadete na naospital ay nakabalik na sa PMA.

“This was an outcome of the medical examination on plebes that was ordered by Defense Secretary Delfin Lorenzana after Dormitorio’s death. We are being careful with the ongoing investigations. The cadets should be accorded due process,” ani Brawner.

 

TAGS: 27 kaso, AFP, Darwin Dormitorio, hazing, iniimbestigahan, Inspector General, maltreatment, PMA, PMA commandant of cadets Brig. Gen. Romeo Brawner Jr., 27 kaso, AFP, Darwin Dormitorio, hazing, iniimbestigahan, Inspector General, maltreatment, PMA, PMA commandant of cadets Brig. Gen. Romeo Brawner Jr.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.