PNP idinepensa ang balasahan ng mga opisyal sa gitna ng isyu ng ‘ninja cops’
Ipinag-utos ni PNP officer-in-charge Lt. Gen. Archie Gamboa ang balasahan matapos ipahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkadismaya sa kontrobersiya sa drug recycling o ninja cops.
Ayon kay PNP spokesman Sr. Supt. Bernard Banac, may ilang opisyal ang nakaramdam ng pagkalungkot at pagkadismaya.
Ngunit paliwanag ng opisyal, ito ay bahagi ng career development sa hanay ng pambansang pulisya.
Mabilis naman aniyang nakakapag-adjust ang bawat pulis.
Sinabi pa ni Banac na ang bawat posisyon sa PNP ay mahalaga dahil walang mababa at mataas para sa kanila.
Tiniyak naman ng opisyal sa publiko na suportado ng lahat ng opisyal sa PNP si Gamboa bilang PNP OIC.
Hindi bababa sa dalawampung opisyal ang nagkaroon ng bagong posisyon sa PNP.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.