Pinag-iingat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Filipino sa Chile matapos ideklara ang State of Emergency sa Grand Santiago at iba pang lugar.
Ayon sa kagawaran, nagbabala ang Embahada ng Pilipinas sa Santiago na apektado na rin ng State of Emergency ang Chucabuco, Puente Alto, San Bernardo, Concepcion, Valparaiso, Iquique, Maipu, at iba pang probinsya.
Pinayuhan ang mga Filipino na manatili muna sa loob ng kani-kanilang tinitirhan at iwasan munang mag-ikot sa lugar dahil sa nagpapatuloy na protesta sa lugar lalo na sa central Santiago partikular sa submetro at bus statins.
Ayon kay Ambassador to Chile Ma. Teresita Daza, epektibo ang State of Emergency sa susunod na labing-limang araw.
Wala naman aniyang napaulat na apektadong Pinoy sa kaguluhan,
Nasa mahigit walong daang overseas Filipino worker (OFW) ang nananatili sa capital city.
Patuloy namang nakatutok ang kagawaran, sa pamamagitan ng embahada, para alamin ang pinakahuling sitwasyon sa lugar.
Sa mga nangangailangan ng tulong, maaaring tumagwa sa numero ng embahada na +56-94-272-0320.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.