AFP umapela sa publiko na ‘wag ng ikalat ang videos ng hazing sa PMA
Umapela sa publiko ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na itigil na ang pagkalat ng viral video kung saan nakita ang insidente ng hazing sa loob ng Philippine Military Academy (PMA).
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni AFP spokesman Brig. Gen. Edgard Arevalo na walang magbebenepisyo kung patuloy pang ikakalat ang video.
Kapwa aniya ‘severely battered’ ang PMA at pamilya ng nasawing si PMA 4th class cadet Darwin Dormitorio sa mga lumalabas na balita.
Sinabi ni Arevalo na makadadagdag lamang ng insulto ang pagkakalat ng naturang video.
Dapat aniyang hayaan ang pamilya Dormitorio at PMA na maghilom sa isyu habang ang Corps of Cadets naman ay matutunan ang kanilang pagkakamali at mag-move on.
Muli namang tiniyak ni Arevalo na ang mga nasabing kaso ng hazing ay hindi nagrerepresenta sa buong pagsasanay sa PMA.
Hindi rin aniya kinukunsinte ang hazing sa loob ng PMA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.