Isinagawa ang operasyon sa harap ng isang restaurant sa Roxas Boulevard.
Ayon sa PDEA, ang mga nahuli ay sina Jane Morales at Eleazar Sta. Ana.
Nakumpiska sa mga suspects ng isang kilo ng shabu na tinatayang nasa P6.8 million ang halaga.
Ikinatwiran ng babaeng suspect na si Morales na inutusan lamang siya na ibigay ang bag sa taong tatawag sa cellphone.
Nahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
MOST READ
LATEST STORIES