IBP umaasa ng mabilis na pagresolba ng mga kaso sa ilalim ni CJ Peralta
Umaasa ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) na mas mapapabilis na ang pagresolba ng mga kaso sa ilalim ng pamumuno ni bagong Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni IBP National President Atty. Egon Cayosa na dahil sa 25 taong karanasan bilang mahistrado ni Peralta, malaki ang posibilidad na mapabilis ang disposisyon sa mga kaso at proseso sa mga korte.
Ang 67-anyos na si Peralta ang pinakamatagal na naging Associate Justice ng SC sa tatlong kandidatong inendorso ng Judicial and Bar Council (JBC) kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Nangako naman si Cayosa na makikipagtulungan ang IBP kay Peralta para maabot ang “Justice Bilis.”
Papalitan ni Peralta si dating Chief Justice Lucas Bersamin na nagretiro noong October 18.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.