Halos P14M halaga ng droga nakumpiska sa Nigerian at kasamang Pinoy sa Las Piñas

By Angellic Jordan October 23, 2019 - 10:02 PM

PDEA RO-NCR photo

Arestado ang isang Nigerian national at isang Filipino sa ikinasang buy-bust operation sa Las Piñas City, Miyerkules ng hapon.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office-National Capital Region (PDEA RO-NCR) Director Joel Plaza, nahuli ang mga suspek na sina Christian Chukwuebuka Okoye, 28-anyos na Nigerian, at Anthony Lusay, 26-anyos.

Positibong nakabilis ang isang PDEA agent na nagsilbing poseur buyer ng ilegal na droga sa bahagi ng Marcos Alvarez Avenua bandang 2:30 ng hapon.

Nakuha sa dalawa ang siyam na plastic packs ng hinihinalang shabu na may bigat na mahigit-kumulang dalawang kilo, dalawang cell phone, isang weighing scale, walong piraso ng ID at ginamit na buy-bust money.

Nagkakahalaga ang kontrabando ng P13,600,000.

Sasampahan ang dalawa ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangeroues Drugs Act of 2002.

TAGS: 2 kilo, buy bust, Comprehensive Dangeroues Drugs Act of 2002, Las Piñas City, nigerian, P14M halaga, PDEA Regional Office NCR, shabu, 2 kilo, buy bust, Comprehensive Dangeroues Drugs Act of 2002, Las Piñas City, nigerian, P14M halaga, PDEA Regional Office NCR, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.