Umakyat na sa ikatlong alarma ang sunog sa Robinsons mall sa Tacloban City dakong 8:37 gabi ng Miyerkules, October 23.
Ayon kay FO1 Karel Cui ng Tacloban City Fires Station, nagsimula ang sunog alas-5:46 ng hapon.
Labing-dalawang mga fire trucks na galing pa sa mga kalapit na bayan ang rumesponde sa nasabing sunog.
Kabilang ang galing sa Babatngon, Palo, Sta. Fe, Tanuan, Tolosa, Alang-alang, Burauen, Dagami, Dulag, Mayorga, Pastra at Tabon-tabon.
Iimbestigahan ng Tacloban Fire Marshal ang sanhi at halaga ng ari-ariang napinsala sa sunog na tumagal na ng halos 3 oras.
MOST READ
LATEST STORIES