Wala nang follow up check-up si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Senador Christopher Bong Go, sapat na ang magnetic resonance imaging o MRI test kanina sa pangulo kung saan nakararanas ito ng muscle spasm.
Ayon kay Go, base sa payo ng doctor, hindi na kailangan ng follow up check up ng pangulo at kinakailangan na lamang nito na magpahinga.
Una rito, sinabi ng pangulo na nakararanas siya ng pananakit ng spinal column dahilan para magpabili ng tungkod sa Japan habang nasa enthronement ni Emperor Naruhito.
Ayon kay Go, maayos naman ang kalagayan na ngayon ng pangulo.
MOST READ
LATEST STORIES