Cavite-Laguna expressway bubuksan na sa undas ayon kay Sec. Villar
Ininspeksyon ng pamunuan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Cavite-Laguna Expressway (CALAX).
Isinagawa ang nasabing final inspection sa unang section ng CALAX araw ng miyerkules, October 23.
Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar nasa 90% na ang natatapos sa konstruksyon ng CALAX habang ang natitirang 10% naman ay ang maliliit na detalye na lamang nito.
Aniya, target itong buksan sa mga motorista sa October 30.
Dagdag pa ni Villar, aabutin na lamang ng 45 minutes hanggang sa isang oras ang magiging biyahe ng mga motorista mula sa Mamplasan hanggang Kawit, Cavite.
Tinataya namang nasa 50,000 ang mga motoristang makakadaan sa nasabing kalsada.
Ang CALAX ay magdudugtong sa walong lokasyon, ito ay ang Kawit, Imus Open Canal, Governor’s Drive, Aguinaldo Highway, Silang, Sta. Rosa-Tagaytay, Laguna Blvd., Technopark, at Toll Barrier bago mag SLEX.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.