Bagong Chief Justice Diosdado Peralta tumanggap ng suporta mula sa liderato ng Kamara

By Erwin Aguilon October 23, 2019 - 06:40 PM

Masayang tinanggap ng mga lider at miyembro ng Kamara ang pagkakatalaga ni Pangulong Duterte kay Associate Justice Diosdado Peralta bilang punong mahistrado ng Supreme Court.

Ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez, naniniwala siya na ang pagkakatalaga kay Peralta bilang punong hukom ay lalo pang magpapakita ng intellectual leadership sa korte.

Sinabi ni Romualdez na siya ring presidente ng Philippine Constitution Association na magiging champion ng good governance at magsisibli si Peralta na tagapagdala ng liwanag upang palaging mangibabaw ang Saligang Batas.

Ang katapatan anya sa Konstitusyon ni Peralta ay magiging gabay ng mga lider ng bansa at ng sambayanan upang lalo pang igiit ang maayos na justice system.

Sinabi naman ni Deputy Speaker Mikee Romero, tulad ng nagretirong si Chief Justice Lucas Bersamin isa ring bihasa sa batas si Peralta at nakatitiyak siya na malaki ang maitutulong para masiguro ang patas na interpretasyon ng batas.

Umaasa naman ito na pagtutuunan ng pansin ng bagong punong hukom sa pagresolba sa mga legal controversies na kinasasangkutan ng mga mahihirap ang social justice.

Kumpyansa naman si Ako Bicol Rep. Alredo Garbin Jr na makapagpapatupad ng mga reporma sa justice system si Peralta dahil sa manunungkulan ito sa korte ng mahigit dalawang taon.

Kaugnay nito, Iginiit ni Garbin na Kailangan din ng bansa ng independent Judiciary mula sa pinakamababang korte hanggang sa Supreme Court kaya dapat ang mga hukom ay hindi mababayaran o makukuha sa pressure at blackmail.

TAGS: bersamin, Chief justice, Congress, Diosdado Peralta, romero, Romualdez, Supreme Court, bersamin, Chief justice, Congress, Diosdado Peralta, romero, Romualdez, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.