“Historical” ang SC decision sa EDCA – Enrile

By Dona Dominguez-Cargullo January 13, 2016 - 01:01 PM

AP photo
AP photo

Maituturing “historical” ang naging desisyon ng Korte Suprema na nagsasabing naaayon sa Saligang Batas ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile na kailangan ng bansa ang EDCA at tama at napapanahon ang naging pasya ng Korte Suprema.

Paliwanag ng senador napakababa ng inilaang budget para sa Philippine Air Force kaya kulang na kulang ang bansa pagdating sa defense preparation.

“Ang budget sa Air Force P1 billion anong defense preparation ang magagawa niyan?” ayon kay Enrile.

Para sa senador, ang seguridad ang dapat na pangunahing prayoridad ng pamahalaan ng kahit na anomang bansa.

“Security dapat ang 1st project priority ng every govt in this planet. Wala tayong preparation to secure this country. Wala tayong proteksyon, walang defense preparation,” dagdag pa ni Enrile.

Dagdag pa ni Enrile, sa nagpapatuloy na tensyon sa agawan sa West Philippine Sea ay kailangan ng bansa na makipag-alyansa sa mas malalakas na bansa gaya ng United States.

Ani Enrile, dahil alam naman ng lahat na hindi kayang mag-isa ng Pilipinas ang laban sa West Philippine Sea, marapat lang manatili ang alyansa sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

“So what do we have to do? We have to act on our own. And since we can’t act on our own, we have to ally ourselves with a stronger power and that is America, that’s why sinabi ko kamakailan, we must stay with America under our present condition to survive. Kung hindi tayo didikit sa Amerika, kanino tayo didikit?” sinabi ng Senador.

Sinabi ni Enrile na darating ang panahon na mauunawan ng lahat na tama naging desisyon ng SC na panatilihin ang EDCA.

TAGS: Juan Ponce Enrile, Juan Ponce Enrile

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.