Dagdag na sweldo para sa health professionals isinusulong sa Kamara
Isinusulong ng Makabayan bloc sa Kamara na itaas ang minimum wage ng mga private health professionals sa buong bansa.
Base sa inihaing Magna Carta for Private Health Workers ng Bayan Muna Partylist, nais ng mga ito na itaas ang buwanang sahod ng mga pribadong health workers sa P30,000.
Kasama rin dito ang pagbabawal sa kontraktwalisasyon, pagtiyak na sapat lamang ang workload na ibinibigay at maitaas ang standard of living ng mga ito.
Paliwanag ng mga ito malayo sa daily minimum cost of living na P1,205 ang natatanggap na sweldo ng mga private health workers.
Nahaharap din ang mga ito sa krisis tilad ng pagiging overworked, underpaid, at napagkakaitan ng karapatan sa job security at pagbuo ng unyon.
Makakatulong anila ang pagtataas sa sweldo ng mga private health professionals na hindi na mag-abroad at manatili na lamang sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.