Kasong may kinalaman sa offended religious feeling pinaaalis na ni Rep. Lagman

By Erwin Aguilon October 23, 2019 - 01:03 PM

Pinaamyendahan ni Albay Rep Edcel Lagman ang Revised Penal Code upang maalis na bilang krimen ang pang-iinsulto sa “religious feelings” tulad ng ginawa noon ng kilalang tour guide at aktibistang si Carlos Celdran.

Sa House Bill 5170, nais ni Lagman na ibasura ang Article 133 ng Revised Penal Code na nagpapataw ng parusang arresto mayor sa maximum period at prison correctional sa minimum period na pagkakakulong sa lalabag sa probisyon ng RPC.

Ipinaliwanag nito na ang political statement ng isang indibidwal ay hindi dapat panghimasukan ng Simbahang aKatolika pati na ang pagpasa sa Reproductive Health Bill.

Nang mamatay aniya si Celdran dahil sa atake sa puso ay saka lamang siya tuluyang nakalaya lalo’t hindi nagawa ng Korte Suprema na i-resolve with finality ang motion for reconsideration na inihain ng aktibista kaugnay sa kaso.

Dagdag pa ng kongresista, kapag naisabatas ang panukala ay hindi na mauulit ang prosekusyon sa mga kritiko na nakulong umano kahit bigong magpakita ng objective standards sa krimen.

Magugunita na noong 2010 ay naging kontrobersyal si Celdran nang bigla itong pumasok sa kasagsagan ng misa sa Manila Cathedral at itinaas ang placard na may nakasulat na “Damaso” sa kasagsagan ng pagsusulong sa RH Bill.

TAGS: edcel lagman, House Bill 5170, inquirer, PH news, Philippine breaking news, radyo, religious feelings, Revised Penal Code, Tagalog breaking news, tagalog news website, edcel lagman, House Bill 5170, inquirer, PH news, Philippine breaking news, radyo, religious feelings, Revised Penal Code, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.