Muling pag-aaral sa K to 12 program suportado ng ACT Teachers Partylist

By Erwin Aguilon October 23, 2019 - 12:57 PM

Suportado ni ACT Teachers Rep. France Castro ang hakbang ng liderato ng Kamara na i-review ang K to 12 program at kung epektibo ito.

Ayon kay Castro, noong nakaraang Kongreso pa niya pinaiimbestigahan ang mga isyu sa implementasyon ng K to 12 program kabilang na ang underfunding para sa mga pangangailangan para sa basic education.

Katuwiran ng kongresista, galing rin ang mga impormasyong ito sa mismong mga guro at iba pang school personnel, mga magulang at mga estudyante.

Iginiit nito na nagdagdag lang ng taon sa basic education sa ilalim ng batas pero hindi naman tinugunan ang dati ng mga problema sa sektor ng edukasyon.

Gayundin, hindi naman anya nalunasan ng K to 12 program ang unemployment.

Binigyang diin ni Castro na kung ang college graduates nga ay hirap na makahanap ng trabaho na may desenteng sahod, paano pa kaya ang Grade 12 graduates.

TAGS: deped, education, inquirer, K to 12 program, PH news, Philippine breaking news, radyo, Tagalog breaking news, tagalog news website, deped, education, inquirer, K to 12 program, PH news, Philippine breaking news, radyo, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.