LTFRB magsasagawa ng inspeksyon sa mga terminal ng bus mula sa Lunes
Simula sa Lunes, Oct. 28 magsasagawa na ng inspeksyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga terminal ng bus.
Bahagi ito ng paghahanda para sa paggunita ng Undas kung saan inaasahan ang dagsa ng mga pasahero.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, sa isasagawang inspeksyon, aalamin kung nakatutugon ba ang mga operator at mga kumpanya ng bus sa pagkakaroon ng standard facility.
Magsasagawa din ng random inspection sa mga bus unit, kanilang prangkisa at iba pang dokumento ang LTFRB katuwang ang Inter-Agency Council for Traffic, Land Transportation Office, Highway Patrol Group at Armed Forces of the Philippines.
Maliban dito ay paiigtingin din ang kampanya laban sa mga kolorum na PUVs.
Sinabi ni Delgra na magtatalaga ng Malasakit Help Desks sa mga terminal ang lahat ng kanilang regional offices sa buong bansa upang umasiste sa mga motorista at mga pasahero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.