2 bata patay sa sunog sa Tondo, Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo October 23, 2019 - 12:13 PM

Dalawang bata ang kumpirmadong patay sa sunog na naganap sa Gagalangin, Tondo Maynila Miyerkules (Oct. 23) ng umaga.

Tumagal lang ng ilang minuto ang sunog na nagsimula ng alas 9:30 ng umaga at naapula alas 9:39 ng umaga.

First alarm lamang ang inabot ng sunog sa bahay na tatlong palapag.

Isang bahay lang ang naapektuhan ng sunog na pinaniniwalaang nagsimula sa pumutok na gamit na noon ay naiwang nakasaksak.

Ayon sa Manila Fire Bureau, na-suffocate ang dalawang bata na sina Aliyah Raine Morales, 9 na taong gulang at si Anastacia Marie Morales na isa at kalahating taong gulang.

Wala umano sa bahay ang magulang ng mga bata dahil nasa trabaho ang mga ito.

Umabot naman sa P30,000 ang halaga ng pinsala ng sunog.

TAGS: fire incident, inquirer, manila, manila fire bureau, PH news, Philippine breaking news, radyo, Tagalog breaking news, tagalog news website, fire incident, inquirer, manila, manila fire bureau, PH news, Philippine breaking news, radyo, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.