885 na special permits para sa mga pampasaherong bus inaprubahan ng LTFRB

By Dona Dominguez-Cargullo October 23, 2019 - 11:54 AM

Aabot sa 885 na special permits ang inaprubahan ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na aplikasyon ng mga pampasaherong bus para sa nalalapit na Undas.

Inaasahan kasing dadagsa ang mga pasaherong uuwi sa mga lalawigan sa paggunita ng All Saints’ at All Souls’ Day.

Sinabi ni LTFRB Technical Division head Joel Bolano ipinagkaloob ang special permits sa mga kumpanya ng bus na walang nakabinbing summons o kaso sa ahensya.

Ang mga binigyan din ng special permit ay ang mga bus na hindi aabot sa 10 taon na pataas at mayroong updated insurance coverage.

Sa mga terminal ng bus sa Pasay, Maynila at at Quezon City, fully-booked na ang mga biyahe patungong lalawigan para sa petsang October 30 at 31.

Inaasahan ang mas malaking bilang ng mga bibiyaheng pasahero sa Oct. 31 na araw ng Biyernes.

Sa November 2 naman araw ng Linggo at November 3 araw ng Lunes ay inaasahan ang dagsa ng mga pasahero pabalik ng Metro Manila.

TAGS: All Saint's Day, All Soul's Day, inquirer, Land Transportation Franchising Regulatory Board, PH news, Philippine breaking news, radyo, special bus permit, Tagalog breaking news, tagalog news website, All Saint's Day, All Soul's Day, inquirer, Land Transportation Franchising Regulatory Board, PH news, Philippine breaking news, radyo, special bus permit, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.