Provisional toll sa 2.2KM na Cavite-C5 Link Expressway ipatutupad na mula Oct. 24

By Jimmy Tamayo October 23, 2019 - 10:33 AM

Sisimulan na ang paniningil ng toll sa Cavitex-C5 Link Expressway simula sa Huwebes, October 24.

Pero nilinaw ng Toll Regulatory Board na magiging “provisional” lamang ang paniningil sa nasabing kalsada dahil ipatutupad ito sa unang 2.2 kilometers o sa first segment ng expressway.

Pinagamit ng libre sa mga motorista sa loob ng tatlong buwan ang nasabing kalsada na layong mabawasan ang mabigat na daloy ng trapiko sa Sales Interchange, South Luzon Expressway (SLEX) at West Service Road maging sa bahagi ng EDSA.

Ang provisional toll ay ang sumusunod :

P22 – Class 1 (cars)
P44 – Class 2 (minivans/buses)
P66 – Class 3 (large trucks/trailers)

Ang second segment ng expressway ay sisimulan sa Nobyembre at inaasahan namang makukumpleto ang 7.7 kilometers sa taong 2021.

Oras na makumpleto ang buong expressway ay maglalabas ng TRB ng final toll rate.

TAGS: inquirer, PH news, Philippine breaking news, Provisional toll, radyo, Tagalog breaking news Cavitex-C5 Link Expressway, tagalog news website, toll regulatory board, inquirer, PH news, Philippine breaking news, Provisional toll, radyo, Tagalog breaking news Cavitex-C5 Link Expressway, tagalog news website, toll regulatory board

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.