Residential area sa San Juan at Maynila tinupok ng apoy
Magkahiwalay na sunog ang sumiklab sa San Juan at Maynila ngayong Miyerkules (Oct. 23) ng umaga.
Tinupok ng apoy ang isang residential area sa Brgy. San Perfecto, San Juan City.
Nagsimula ang sunog alas 9:00 ng umaga at umabot lang sa unang alarma bago naideklarang fire ourt alas 9:42 ng umaga.
Sangkot sa sunog ang isang bahay na dalawang palapag.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, aabot sa ₱150,000 ang halaga ng pinsala ng sunog.
Samantala, sumiklab din ang sunog sa Bulacan Street sa Gagalangin, Tondo Maynila.
Nagsimula ang sunog alas 9:30 ng umaga na umabot lang din ng unang alarma.
Alas 9:39 ng umaga nang maideklarang fire out na ang sunog.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa kung ano ang naging sanhi ng dalawang magkahiwalay na insidente ng sunog. (END/DD)
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.