Pagtitiyak ito ng National Water Resources Board (NWRB) kasunod ng muling kakapusan sa suplay ng tubig sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan dahil sa muling pagbaba ng water level ng Angat dam.
Ayon kay NWRB Executive Director Dr. Sevillo D. David, sa ngayon ay kaya pang suplayan ng tubig ang Metro Manila at mga karatig na lalawigan.
Bagaman magkakaroon na aniya ng rotational water service interruption ay hindi naman aabot sa puntong may mga lugar na makararanas ng 24-oras na walang tubig.
Payo ni Sevillo sa publiko alamin ang schedule sa kanilang mga lugar na mayroong suplay ng tubig.
At dahil hindi naman 24 oras ang service interruption ay dapat aniyang sapat na dami ng tubig lang para sa oras na may service interruption ang iipunin.
Samantala, ayon kay Sevillo masusui nilang babantayan ang antas ng tubig ng Angat dam dahil mahalaga na pagdating ng summer season sa susunod na taon ay may sapat na suplay ng tubig upang maiwasan ang water crisis.