Bagong hepe ng Manila Police District pormal nang manunungkulan sa pwesto
Pormal nang nagkaroon ng turnover ceremony sa Manila Police District (MPD).
Dumalo sa seremonya na idinaos sa MPD headquarters si National Capital Region Police Office chief, Brigadier General Debold Sinas para sa pagpapalitan ng pwesto nina otgoing uMPD Director Brigadier General Vicente Danao at bagong MPD Director Brigadier General Bernabe Balba.
Sinaksihan din ni Manila Mayor Isko Moreno ang seremonya.
Present din sa turnover ceremony ang lahat ng station at PCP commander ng MPD.
Si Danao ay magiging direktor na ng Police Regional Office – 4A o Calabarzon.
Kasabay ng turnover ceremony ay ginawaran si Danao ng Medalya ng Katapatan sa Paglilingkod.
Samantala, sa kaniyang mensahe, sinabi ni Balba na inaasahan niya ang suporta ng lahat ng tauhan ng MPD gaya ng suportang ibinigay nila kay Danao.
Ayon kay Balba, nais niya ang malinis, magalang at maaasahang mga pulis-Maynila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.