Pangulong Duterte nagpaabot ng pagbati sa mga nakapasa sa CPA exam

By Chona Yu October 23, 2019 - 08:12 AM

Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Rodrigo Duterte sa mahigit 2,000 examinees na nakapasa sa katatapos na Certified Public Accountant licensure examination.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, partikular na ikinatutuwa ng pangulo ang pagkakapasa ng anak ng kanyang long-time aide na si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go.

Nasa ikatlong pwesto ang anak ni Go na si Christian Lawrence Go matapos makakuha ng score na 89.50.

Hindi aniya matatawaran ang galing at talino ng nakababatang Go dahil nagtapos itong valedictorian noong elementary at high school at summa cum laude sa kolehiyo sa De La Salle University (DLSU).

Ayon kay Panelo gaya nang sinabi ni Senador Go “like father like son” dahil nag-number three siya sa senate race sa katatapos na eleksyon.

Habang number three naman ang kanyang anak sa CPA exam.

TAGS: Certified Public Accountant licensure examination, CPA Exam, inquirer, PH news, Philippine breaking news, president duterte, Presidential spokesman Salvador Panelo, radyo, Tagalog breaking news, tagalog news website, Certified Public Accountant licensure examination, CPA Exam, inquirer, PH news, Philippine breaking news, president duterte, Presidential spokesman Salvador Panelo, radyo, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.