1 hanggang 3 bagyo, papasok sa bansa bago matapos ang taon

Isa hanggang tatlong bagyo pa ang maaring pumasok sa bansa bago matapos ang taon.

Ayon kay PAGASA weather specialist Cris Perez, sa susunod na mga araw ay walang inaasahang papasok na bagyo sa bansa.

Pero para sa buwan ng Nobyembre, isa hanggang dalawang bagyo pa ang maaring pumasok sa bansa.

Sa Disyembre naman, maaring wala o mayroong isang bagyo na papasok sa Pilipinas.

Read more...