Isa pang water supply shortage ibinabala sa taong 2020
Aminado ang Maynilad at Manila Water na magkakaroon pa rin ng kakulangan sa supply ng tubig sa susunod na taon.
Ayon sa Manila Water, mararanasan pa rin ng kanilang customers ang kakulangan ng supply ng tubig pero mas handa na umano ang kumpanya ngayon.
Sinabi naman ng Maynilad na ang oras ng water interruption sa 2020 ay hindi kasing-haba ng kawalan ng tubig na nangyari sa kalagitnaan ngayong taon.
Bilang paghahanda anim na buwan bago ang tagtuyot ay ipapatupad na ng dalawang kumpanya ang rotational water interruption simula araw ng Huwebes, October 24.
Sa mga sakop ng Maynilad, asahan ang 6 hanggang 18 oras na walang tubig na mararanasan sa pagitan ng alas 10:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng hapon depende sa lugar.
Habang ang Manila Water customers ay hanggang 10 oras ang water interruption mula alas 9:00 ng gabi hanggang alas 9:00 ng umaga depende sa lokasyon.
Tiniyak naman ng Maynilad na araw-araw ay mayroong supply ng tubig kaya ang dapat lamang ipunin ay ang gagamitin sa isang araw.
Pero sinabi ng Manila Water na hanggat wala pang bagong source o pagkukunan ng supply ng tubig ay mararanasan ang rotational water interruptions kada taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.