LOOK: Pangulong Duterte bumisita sa burol ni Ex-SP Nene Pimentel
Tumagal ng halos isa’t kalahating oras si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbisita sa burol ng kaibigan at political ally na si dating Senate President Aquilino ‘Nene’ Pimentel Jr.
Dumiretso ang pangulo sa Heritage Memorial Park sa Taguig matapos dumating sa Villamor Airbase sa Pasay galing Japan.
Ibinahagi nina Sen. Aquilino ‘Koko’ Pimentel at Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) Spokesperson Ron Munsayac ang mga lawaran ng pagbisita ng pangulo sa burol.
Hindi na nagbigay ng talumpati ang pangulo ngunit ayon kay Sen. Pimentel, nagpaabot ito ng pakikiramay sa kanilang pamilya.
Ang yumaong Pimentel ang nagtatag ng PDP-Laban.
Si Pangulong Duterte ang kasalukuyang chairman ng partido at si Sen. Pimentel naman ang kasulukuyang presidente nito.
Itinutulak ni Nene Pimentel ang pederalismo sa bansa na adbokasiya rin ni Duterte.
Samantala, dadalhin ngayong araw sa Senado ang mga labi ni Pimentel para sa necrological service na magsisimula alas-10:00 ng umaga.
Matapos ang necrological service sa Senado ay ililipad ang mga labi ni Pimentel sa Cagayan de Oro City.
LOOK: President Duterte is now at the wake of the late Senate President Nene Pimentel at Heritage Park in Taguig City. (📸 from Ronwald Munsayac of PDP Laban) @inquirerdotnet pic.twitter.com/UK3Q4JUmkz
— Julie M. Aurelio ✵ (@JMAurelioINQ) October 22, 2019
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.