5 arestado sa magkahiwalay na buy bust sa Caloocan at Maynila

By Len Montaño October 23, 2019 - 04:22 AM

Kabilang ang dalawang menor de edad sa tatlong naaresto sa buy bust operation sa Caloocan City Miyerkules ng madaling araw.

Naaresto ang mga suspects kasunod ng sumbong ng mga residente ukol sa pagtutulak ng droga ng tatlo.

Ikinasa ang operasyon sa Barangay 178 sa Camarin target si alyas Bossing.

Matapos makabili ang poseur buyer ng P500 halaga ng droga ay agad na inaresto ang tatlo.

Nakuha sa mga ito ang 9 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P204,000.

Samantala, dalawang drug suspects ang hinuli sa operasyon sa Binondo, Maynila.

Nagsasagawa ng simultaneous anti-criminality ang law enforcement operation (Sacleo) ang otoridad sa Barangay 283 nang sa gitna ng pagronda ay napansin nila ang isang babae at isang lalaki na nagsusugal.

Nang kapkapan ang dalawa ay nakuhanan ang mga ito ng shabu.

 

TAGS: 5 arestado, buy bust, caloocan, Maynila, menor de edad, SACLEO, shabu, 5 arestado, buy bust, caloocan, Maynila, menor de edad, SACLEO, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.