Isa na namang malakas na aftershock ng magnitude 6.3 na lindol noong Miyerkules ang yumanig sa Cotabato alas-2:45 ngayong madaling araw.
Ayon sa Phivolcs, may lakas na magnitude 4.5 ang aftershock na naitala sa layong 22 kilometro Timog-Silangan ng Tulunan.
May lalim ang pagyanig na pitong kilometro.
Naramdaman ang Intensity III sa Kidapawan City.
Instrumental Intensity IV naman ang naitala sa Malungon, Sarangani.
Instrumental Intensity Intensity III sa Koronadal City.
Instrumental Intensity Intensity II sa Tupi, South Cotabato.
Habang Instrumental Intensity Intensity I ang sa Alabel, Sarangani.
Ayon sa Phivolcs, hindi naman inaasahang nagdulot sa pinsala sa ari-arian ang panibagong pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.