Natangayan ng pera at mga alahas ang isang ginang matapos itong mabiktima ng “budol-budol” gang sa Muntinlupa Miyerkules ng madaling araw.
Ayon sa pulisya, namamasyal sa bookstore ang hindi pinangalanang ginang nang may babaeng nagpakilala sa kanya bilang isang negosyante at nagtanong sa lokasyon ng isang pabrika.
Isa pang babae ang dumating na nagsabing alam niya kung saan naroon ang factory.
Sunod na dumating ang nagpakilalang manager ng pabrika at sa puntong ito ay sinabihan nila ang biktima na ilagay sa isang bag ang pera at mga alahas nito.
Sinabihan umano ng mga suspects ang ginang na babalik sila pero hindi na ito nangyari.
Nakuha sa biktima ang P30,000 cash at iba’t ibang mga alahas na nagkakahalaga ng mahigit P900,000.
Tinutugis ng pulisya ang tatlong babaeng suspects at kasama nilang lalaking driver.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.