Barangay Chairman patay sa pamamaril sa Bulacan

By Rhommel Balasbas October 23, 2019 - 01:56 AM

Nasawi matapos tambangan ang isang Barangay Chairman sa San Ildefonso, Bulacan araw ng Martes.

Ayon kay Bulacan Police director Pol. Col. Chito Bersaluna, kinilala ang biktima na si Felimon Lazaro, 52, kapitan ng Barangay Malipampang.

Nagtamo ng mga bala sa katawan si Lazaro at sugatan din ang kasamahan nitong si Richard del Rosario matapos tamaan ng stray bullet.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nakatayo ang mga biktima sa labas ng bahay ni Lazaro nang lumapit ang gunmen na riding-in-tandem at nagpaputok ng baril.

Tinitingnan na ng pulisya ang CCTV footage malapit sa pinangyarihan ng krimen upang makilala ang mga suspek.

 

TAGS: barangay chairman, Bulacan, CCTV footage, patay sa pamamaril, riding in tandem, barangay chairman, Bulacan, CCTV footage, patay sa pamamaril, riding in tandem

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.