PNP-IAS: Higit 400 suspects patay habang nasa kustodiya ng pulisya

By Len Montaño October 23, 2019 - 01:14 AM

Iniimbestigahan ng Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang dahilan ng pagkamatay ng mahigit 400 na suspects habang nasa kustodiya ng pulisya.

Ayon sa PNP-IAS, ang naturang bilang ng suspects na namatay sa police custody ay mula July 2016 hanggang September 2019.

Sa record ng PNP-IAS, maliit na porsyento lamang ang mga kaso na nanlaban ang mga suspects.

Nabatid na tatlong porsyento lamang ng kabuuang bilang ang insidente kung saan nanlaban ang suspect habang nasa kustodiya ng pulisya.

Kabilang dito ang mga kaso ng pang-aagaw ng baril ng pulis kaya napatay ang suspect.

Dahil dito ay aalamin ng naturang PNP unit ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng mga suspects.

 

TAGS: iniimbestigahan, kustodiya, nang-agaw ng baril, nanlaban, patay na suspects, PNP. IAS, pulisya, iniimbestigahan, kustodiya, nang-agaw ng baril, nanlaban, patay na suspects, PNP. IAS, pulisya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.