Kalibo, isa sa mga lugar sa buong mundo na paboritong destinasyon ng mga Singaporeans

By Dona Dominguez-Cargullo January 13, 2016 - 11:20 AM

From nscb.gov.ph
From nscb.gov.ph

Ikatlo ang Kalibo, Aklan sa mga pangunahing destinasyon na paboritong puntahan ng mga Singaporeans.

Ito ang lumitaw sa isinagawang pag-aaral ng global travel search engine na ‘Skyscanner’.

Sa nasabing pag-aaral, nasa una at ikalawang pwesto bilang ‘emerging destinations for Singaporeans’ ang Phu Quoc sa Vietnam at Paro sa Bhutan.

Pumangatlo naman ang Kalibo, Akln na ayon sa Skyscanner, nakapagtala ng malaking pagtaas sa flight searches mula 2012 hanggang 2015.

Sumunod naman sa Kalibo ang Reykjavik sa Iceland; Shenyang sa China; Sapporo saJapan; Nagoya sa Japan; Osaka sa Japan; Hobart sa Australia; at Tokyo, Japan.

Ang Kalibo ay dinarayo taun-taon ng mga turista para sa Ati-Atihan Festival na idinadaos tuwing ikatlong linggo ng Enero.

Ito rin ang gateway patungo sa Boracay island, na itinanghal nang isa sa mga ‘best islands in the world’ noong 2015 ng travel magazine na Condé Nast Traveler.

TAGS: Kalibo one of the emerging destinations for Singaporeans, Kalibo one of the emerging destinations for Singaporeans

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.