Mayor Isko tinulungan ang mga nasunugan sa Sta. Cruz
Nagbigay si Mayor Isko Moreno ng tulong sa mga pamilyang nasunugan sa Sta. Cruz, Manila.
Sa pagbisita sa mga residente na nakapost sa kanyang Facebook live Martes ng gabi, sinabihan ni Moreno ang mga nasunugan na nakalikom siya ng pondo mula sa mga kaibigan ng lungsod.
Ayon sa alkalde, ang tulong pinansyal ay para sa pagpapagawa ng mga matitirahan ng mga nasunugan.
Umaasa si Moreno na ang nalikom niyang pondo ay magagamit ng mga residente para makapag-patayo muli ng kanilang mga bahay.
Inatasan din ni Mayor Isko ang city engineering office na bigyan ng ilang construction materials ang mga biktima ng sunog.
Matapos ang anunsyo ni Moreno ay agad na isinagawa ang pamamahagi ng tulong sa mga nasunugan.
Ilang pamilya ang nawalan ng bahay bunsod ng sunog sa residential area sa Quiricada Street na umabot ng Task Force Bravo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.