Marjorie Barretto inamin na si dating Mayor Recom Echiverri ang ama ng kanyang bunsong anak

By Len Montaño October 23, 2019 - 12:00 AM

Matapos ang matagal nang usap-usapan, inamin na rin ng dating aktres at konsehal na si Marjorie Barretto na si dating Caloocan Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang ama ng kanyang bunsong anak na babae.

Sa panayam ng “TV Patrol” sa ABS-CBN, sinabi ni Marjorie na ang dating alkalde at kongresista ang ama ng pitong taong gulang na anak niyang si Erich.

Ayon sa dating aktres, hindi siya “proud” na nagmahal siya ng lalaking may asawa at ito anya ang dahilan kaya hindi niya ito inanunsyo sa publiko.

“Alam mo hindi ako perfect. I’m very strong in many ways pero sa pag-ibig talaga mahina ako. Ako’y talagang, I’m sorry. I’m not very proud of it. That is the reason why I am not announcing it to the public,” ani Marjorie.

Samantala, nilinaw ni Marjorie na pumanaw ang kanilang ama sa pneumonia at hindi atake sa puso.

Taliwas ito sa sinabi ni Gretchen Barreto na heart attack ang dahilan kaya namatay si Ginoong Miguel Barreto dahil hindi umano inimbitahan ni Marjorie ang kanilang ina na si Estrella sa kaarawan ng padre de pamilya.

Giit ni Marjorie, si Gretchen ang hindi nag-imbita sa kanilang ina sa birthday ng kanilang ama.

Nilinaw din ni Marjorie ang umanoy ugnayan ng negosyanteng si Atong Ang sa kanyang pamangkin na si Nicole at kay Gretchen.

Ang alam umano ni Marjorie ay naghiwalay sina Ang at Nicole makalipas ang halos limang taong relasyon dahil inagaw umano ni Gretchen ang negosyante sa kanilang pamangkin.

“Si Atong Ang used to be the boyfriend of our niece Nicole… Five years, almost five years. Sa pagkakaalam ko, personal knowledge ito, naghiwalay sila dahil allegedly, ang alam namin inagaw ni Gretchen kay Nicole si Atong Ang,” pahayag ni Marjorie.

Pero una na itong itinanggi ni Ang at sinabing business partners niya sina Gretchen at partner nitong si Tonyboy Cojuangco.

Nanindigan naman si Marjorie na si Gretchen ang nagka-nervous breakdown at ang nagsimula ng gulo sa burol ng kanilang ama.

 

TAGS: Atong Ang, burol, dating Caloocan Mayor Enrico “Recom” Echiverri, Gretchen Barretto, gulo, heart attack, inagaw, Marjorie Barretto, nervous breakdown, pneumonia, Atong Ang, burol, dating Caloocan Mayor Enrico “Recom” Echiverri, Gretchen Barretto, gulo, heart attack, inagaw, Marjorie Barretto, nervous breakdown, pneumonia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.