Gobyerno target na maiangat sa kahirapan ang 1M Pinoy kada taon

By Len Montaño October 22, 2019 - 11:23 PM

Inquirer File Photo

Target ng pamahalaan na maiangat sa kahirapan ang isang milyong Pilipino kada taon.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, plano ito ng gobyerno kasunod ng Social Weather Stations (SWS) survey na nagpakita na nabawasan ang bilang ng mga Pinoy na ikinukunsidera ang mga sarili na mahirap.

Sinabi ni Panelo na bagamat maganda ang resulta ng bagong SWS survery, hindi maikakaila na marami pa rin ang nananatiling mahirap sa bansa.

Pero tiniyak ng kalihim na layon ng administrasyon Duterte na bigyan ng komportableng pamumuhay ang mga mamamayan kabilang ang target na mabawasan ang mga mahihirap.

Pina-igting na anya ang hakbang ng gobyerno para maiangat sa kahirapan ang isang milyong Pilipino sa pamamagitan ng mga programa ukol sa pagkain at tulong pinansyal.

“…pertinent departments and agencies have instituted social protection measures, which include rice liberalization and institutionalization of cash transfers, to ensure that no one is left behind as we progress as a nation under the leadership of [Duterte],” ani Panelo.

 

TAGS: 1 milyong Pinoy, kahirapan, maiangat, Presidential spokesman Salvador Panelo, SWS, target, 1 milyong Pinoy, kahirapan, maiangat, Presidential spokesman Salvador Panelo, SWS, target

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.